Joel Mondina o mas kilala bilang Pambansang Kolokoy ay ang Pinoy online sensation na viral video creator ay ipinanganak sa La Union pero sya ay lumaki sa Baguio City kasama ang kanyang
lolo at lola. Bago matapos ng high school si Joel sa baguio noong 1994 ay
lumipat siya sa US para makasama ang kanyang mga OFW na magulang.
Ayon kay Mondina, hindi naman daw mahirap ang buhay nila nung nasa Pilipinas pa sya
dahil naging maayos at maalaga naman ang kanyang mga lolo at lola. Ibinibigay din
ng kanyang mga magulang na OFW ang lahat ng pangangailangan nila, masasabing
masaya na malungkot ang naging buhat nya dito sa Pinas noon. Masaya dahil
kumpleto naman ang mga pangangailangan nila, malungkot dahil malayo ang
magulang nya, subalit alam naman nya na parte na iyon ng buhay nya bilang isang
anak ng OFW.
Sa America na nya tinapos ang kanyang pagaaral ng high school at
doon ang una nyang ginawa ay ang humanap ng mga kapwa Pilipino upang
makipagkaibigan, nagtrabaho din sya ng part time habang nagaaral doon.
Nagtrabaho sya hanggang makatapos ng highschool at kumuha ng 2 years course sa
college. After that, nagtrabaho na si Mondina ng full time. Sa America na rin
nya nakilala si Marites na kanyang napangasawa at wala naman daw syang
pinagsisishan kahit naging mahirap ang simula ng buhay nya sa US, dahil masaya
naman daw sya na kasama nya ang pamilya nya doon.
Nagsimula ang paggagawa nya ng videos kasama ang kanyang
anak, noong una ay naging mahirap makakuha ng views at likes ang kanilang mga
video pero ipinagpatuloy lang nila ito dahil nagging bonding time na nilang
magama ang paggagawa ng video. Kalaunan ay unti unti na rin silang nagkakaroon
ng regular viewers at sinasabayan lang nila ang usong mga video ng panahon na
yon tulad ng dubsmash videos.
Nakakuha ng break si Joel nung nag viral ang video
nya na Filipino Ilocano Tatang sa pamamagitan ng paggawa ng scenario na
makakarelate ang mga kapwa nya tatay at anak na mga nanonood. Doon na nagsimula
na makilala si
Joel Mondina at isinilang ang Pambansang Kolokoy na nagging online
sensation at pinapanood ng milyon kahit saan man hanggang sa kasalukuyan
panahon.
RELATED ARTICLE:Kimbery Dianne Vinson Ilag from Probinsyana to Online Viral Sensation ng Batangas
Comments
Post a Comment