Kimberly Dianne Vinson Ilag From Probinsyana to Online Viral Sensation Story

Si Kimberly Dianne Vinson Ilag ay isa sa sikat na viral video creator dito sa Pilipinas. Madami syang ginawang video na pinost nya sa Facebook, YouTube at Tiktok na pinanood ng milyong Filipino. Sa dami ng mga nagyuyoutube at tiktok ngayon, may isang batanguena na namumukod tangi dahil naging inspirasyon na sya ng mga kabataan ngayon. Maituturing na isang simpleng millenial itong si Kimberley Dianne Vinson Ilag, sya yung babaeng nagpopost ng video ng kanyang mga pangaraw araw na ginagawa. Nakilala sya dahil sa kanyang batangueña accent o yung malalim na puntong Batangas.

Isa sa mga una nyang video na pinost sa youtube ay simpleng bumibili lang sya ng kape sa starbucks. At ang isa sa pinakamaraming views sa mga video na pinost nya ay ang kasama ang kanyang lolo at pinapipili nya ito kung sino ang mas mahal ng kanyang lolo, ang kanya bang apo o ang kanyang mga manok na panabong. Minsan kasama nya rin ang kanyang tito, kapatid or kung sino man sa pamilya nya.

Simple diba?
Pero ano nga ba ang sikreto ni Kimberley Dianne? Bakit sya pinapanood ng marami? 

Ayon kay Kimberly, ang maipapayo nya sa ibang mga gustong mag viral or sumikat online ay; “Siguro po ano, gawin lang po yung kung ano mong gustong gawin. Hindi na po kailangan na kapag gumawa ka ng isang content, iisipin mo palagi na maraming views. Gawin mo lang kung ano ang nagpapasaya sa’yo po.”
Si Kimberly ay kilala sa tawag na "Batang" sa kanyang mga video, sikat at madami rin subscriber ang kanyang YouTube Channel na "Batangeña Ho". mahilig sya magpost ng kanyang mga funny moments at TikTok dance kaya sya ay isa rin Tiktok Sensation. Paborito din nya i feature sa kanyang videos ang mga manok na panabong ng kanyang lolo. Si Batang ay nafeature na rin sa KMJS or Kapuso Mo, Jessica Soho


Comments