Madaming kuro kuro at opinion ang mga nakararami kung bakit bigla na lang umusbong ang mga "Kamote Riders Philippines" dito sa Pilipinas. Ang Kamote ay isang "root vegetable" or bungang ugat. Sinasabing ang mga kamote riders ay sagabal sa daan sa mga actual riders na gustong magride at magrelax habang nagmomotor. bakit nga ba sila tinawag na kamote riders? Siguro dahil sa America ay may mga tinatawag na "squids" or squid rider, hindi naman babagay na tawaging "pusit rider" since ang kamote ay tumutubo kahit saan pag itinanim, kaya siguro isinilang ang pangalang "Kamote Riders".
Makikita nyo ang mga nagkalat na post sa Facebook at YouTube tungkol sa mga Kamote Riders, sharing yung mga kalokohan, horrific accidents, kamote moves sa daan, pag disregard ng mga traffic rules, at kung ano ano pa. Yun pagiging inconsiderate riders ng iilan ay nakakapagpababa ng tingin sa lahat ng mga riders at road users dito sa Pilipinas.
Kalimitan yun mga tinatawag na kamote riders ay gumagamit lang ng mga maliliit na motor or yun tinatawag na scooters at underbone. Pero sa ngayon meron na rin gumagamit ng mas malalaki at mas mamahalin na mga motor or big bikes pero eventually lumalabas din ang tunay na habit nila.Hindi naman lahat ng tinatawag na kamote riders ay may mga ganitong katangian, katunayan may mga grupo na nagbuo ng kanilang sarisariling motorcycle club na tinawag nilang Kamote Riders Philippines, nagkakaroon na rin sila ng mga magandang proyekto mara maimprove ang kanilang mga riding habits at mabawasan ang mga aksidente sa kalsada. Nagkakaroon na rin sila ng mga ibat ibang project at charity para makatulong sa ibang tao, sana lahat ng kamote riders ay matutong iimprove ang kanilang mga gawain upang tumaas muli ang tingin ng mga tao sa mga motorcycle users sa Pilipinas.
Nandito ang mga katangian DAW ng isang tipikal na kamote rider:
1. Ang tingin nila sa kalsada ay race track - especially pag nasa mga zigzag road sila tulad sa Marilaque or Sierra Madre. Kilala ang Marilaque na pinupuntahan ng mga riders lalo na pag weekends. Dinadayo ang Jariels Peak at Marquez Bulalohan na may masarap na Bulalo stew. Sa Marilaque to Infanta road din nagkaroon ng bilang pagtaas ng bilang ng mga motorcycle road accidents nitong mga nakaraan taon.
2. Maraming hindi gumagamit ng mga Safety Protective Gears - kalimitan ay sumasabak sa pagraride ng hindi nakasuot ng tamang motorcycle safety gears. Kung nakasuot man ay minsan mga substandards at hindi rin maituturing na safe. Marami sa mga riders na namamatay o nagkakaroon ng malalang injury sa aksidente ay yun mga walang suot na helmet or padded jacket, or walang kahit anong suot na protective gears habang nagmomotor.3. Pakiramdam nila na lahat ng nakakasalubong nila ay chinachallenge sila sa kareka or race - kalimitang mentality na mapatingin lang sa kanila habang sila ay nagmomotor eh challenge to race na para sa kanila. madalas nakakasagabal sila sa kalsada dahil dito na pinagmumulan ng aksidente.
4. Nangangati silang karerahin ang mga nakamalaking motor or big bikes - dahil ang ibang kamote riders ay mataas ang ego at pride, pag nakakakita sila ng naka malaking motor at sports bike, gusto nila itong karerahin or iovertake kahit nananahimik naman itong rider na nakasabay nila.
5. Mga may tunog lata na tambutso (muffler or exhaust) - mahilig sila sa open pipe na ginawa lang kung saan saan na pag dumaan sa harap ng bahay mo eh magigising lahat ng tulog. naniniwala sila na mas malakas na pipe eh mas mukhang mabilis kahit hindi naman totoo. (the louders the pipe, the faster it is)
6. Madaming kung ano anong nakakabit na walang kwentang blings at ilaw sa motor - mga useless blings and lights na nakakabit sa motor na minsan ay mas nakakasagabal pa sa pagraride or sa mga nakakasabay at nakakasalubong sa daan.
7. Puno ng kung ano anong sticker at decals ang motor - pinupuno ang motor ng kung ano anong racing stickers at race decals. Repsol, yamaha, akrapovic, brembo, etc... etc...
8. Nagraride na nakatuntong ang paa sa rear pegs - mahilig lang magpretend na Valentino Rossi at wala ng pakialam sa tamang paggamit ng motor, especially rear brakes at shifting.9. Naglalagay ng kung ano ano sa helmet tulad ng Predator helmet style at predator mask - anong point? hays akala nila eh maganda ang predator style helmet
10. Pakiramdam nila ay inaatake ko sila sa listahang ito - no offense sa mga tinatamaan pero ang point ko lang ay sana tayong mga riders eh matutong iimprove ang ating riding habits para maiwasan natin ang mga aksidente at abala sa kalsada. maari naman mamasyal at magrelax ng safe diba? hindi pa tayo makakaperwisyo sa iba.
Special shoutout sa friend ko na si Peewee Cantero, isa syang tinatawag na Kamote Rider pero eventually ay natuto at nagimprove sya, nakikita ko na tumutulong na rin sya sa mga kapwa nya riders. Meron syang malaking grupo ng mga nagmomotor ngayon na makikita sa Facebook na tinatawag na "Kamote Riders Community". Dapat hindi tayo papasama, dapat diba eh papaimprove!
RELATED ARTICLE:
Comments
Post a Comment